Nakakaaliw pag nagoonline ako halos araw-araw. Pag gising ko sa umaga, nagcheck ako palagi ng email ko gamit ang mahiwagang cellphone ko. Pag nasa mood naman ako, magpost ako ng status sa Facebook. Bago ako kumain ng tanghalian, nagbubukas na ako ng laptop at magoonline na naman ako. Nagblog ako, tinitignan ang email ko, nakikipagchat sa FB….paminsan-minsan nagleave ako ng mensahe sa ym. Inaabot ako ng gabi na nakababad sa laptop. Pagsapit ng gabi, iidlip muna ako nyan. Siyempre, napagod maghapon ang mata ko.Pag gusto kong magonline sa madaling-araw, nagaalarm pa ako nyan para magising ako. Malas ko lang, pag napasarap ang tulog ko. Para na lang akong bampira na gising palagi sa madaling araw. Bantay-sarado naman ang FB ko…lagi kong tinitignan kung sino pa gising sa chatbox ko…hehe!!!Mas boring kung ang kausap mo sa bahay, nanay mo at mga kapitbahay mo…araw-araw ko na lang nakikita bawat oras na nabubuhay ako sa mundong to. Puwede bang ibang tao na lang kausapin ko at may sense naman kausap.Mas okay pa may nakakausap ka online…madaming topics ka masasagap at nailalabas ko ang saloobin ko sa blog ko.Hay buhay! Kailan pa kaya ako makakagala nito at paminsan-minsan kahit isang araw akong hindi nakaonline? :D
by Eccentric Yet Happy